top of page

Oportunidad ng trabaho sa gobyerno hindi sapat ayon kay BARMM Cabinet Secretary at Spokesperson Mohd Asnin Pendatun kasunod ng tanong ng media na maraming BAR passers ang hindi naa-absorb

  • Jan 23
  • 1 min read

iMINDSPH


Aminado si BARMM Cabinet Secretary at spokesperson Mohd Asnin Pendatun na hindi sapat ang job opportunities sa gobyerno. Sagot ito ng opisyal sa tanong ng MEDIA sa isang press conference na maraming pumasa sa BAR ang hindi umano naa-absorb sa Bangsamoro region.


Binigyang diin ng opisyal na hindi lamang gobyerno ang pinanggagalingan ng trabaho. Mas mainam aniya at mas healthy para sa ekonomiya kung ang private sector ang pangunahing driver ng employment.


One way of having na maraming board passers, it speaks a lot about the competence of our graduates saka yung mga kababayan natin dito.


Secondly, siguro sa sobrang dami hindi enough yung job opportunities na available from the government. However, ang i-emphasize ko na hindi lang yung gobyerno yung source of employment. Dapat uh ay mas maganda na kung yung driver nung atin pong economy or source of employment ay galing sa private. So yung ganung klaseng observation, it it can be put as a reminder na palakasin pa natin yung atin pong private sector para yung source of employment ay hindi laging gobyerno lang.


Uh dahil sa dami ng mga magagaling, sa dami ng mga pumasa ay hindi ho talaga magiging enough yung job opportunities dito sa Bangsamoro Autonomous Region.


Dahil limited lang yung atin pong positions, limited lang din po yung budget.


So as much as we want to accommodate all, mas mainam at mas healthy sa lipunan kapag balance or let's say ang mas malaking driving force of employment ang private sector.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page