ORIENTATION PARA SA MGA COS PERSONNEL isinagawa ng MOLE upang palakasin ang kakayahan ng mga kawani
- Apr 7
- 1 min read
iMINDSPH

Isinailalim ng MOLE sa orientation ang kanilang Contract of Service (COS) mula sa regional offices, Cotabato City, at Maguindanao field offices para sa Mandatory General Orientation.
Isinagawa ito noong Marso 31 sa lungsod ng Cotabato.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga kawani sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga update sa mga patakaran ng ahensya, administrative procedures, at iba pang kinakailangang compliance.
Ayon sa MOLE, patuloy nilang isinusulong ang isang maayos at transparent na workplace na may mataas na pagpapahalaga sa pananagutan sa serbisyo publiko sa pamamagitan ng mga ganitong programa.



Comments