OSAP, suporta sa panawagan ng isang full at agarang imbestigasyon ng mga law enforcement at security agencies kaugnay sa pagpaslang sa isang IP leader sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur
- Diane Hora
- 1 hour ago
- 1 min read
iMINDSPH
Mahigpit na sinusuportahan ng Office of the Special Assistant to the President ang panawagan para sa isang full at agarang imbestigasyon ng law enforcement at security agencines kaugnay sa pagpaslang sa isang IP Leader sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur.
Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ng OSAP na kaisa sila ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua at ng mga miyembro ng BTA Parliament sa panawagan ng pagkamit ng hustisya para sa biktima na si Ramon Lupos.
Ayon sa pahayag, hinahangad ng Pangulo ang isang lipunan na nagbibigay prayoridad hindi lamang sa kapayapaan kundi pati na rin sa karapatan ng bawat Filipino.

Comments