Osmeña Montañer, nanumpa bilang Deputy Minister ng MPOS
- Diane Hora
- Sep 9
- 1 min read
iMINDSPH

Pormal na nanumpa kay Interim Chief Minister Abdulraof Macacua si Osmeña Montañer bilang Deputy Minister ng Public Order and Safety.
Ibinahagi ng tanggapan ng Interim Chief Minister ang mga larawan ng oath taking, araw ng Lunes, September 8.
Ayon kay ICM Macacua, ang panunumpa ni Montañer ay sumasalamin aniya sa patuloy na pangakong pagpapalakas sa institusyon na nagtitiyak ng kapayapaan, seguridad, at moral na pamamahala sa Bangsamoro.
Nawa’y magsilbing paalala aniya ang pagtatalaga na ito na ang pangmatagalang kapayapaan at tunay na kaayusan ang siyang haligi ng makatarungan at maunlad na Bangsamoro tungo sa isang #MasMatatagNaBangsamoro.”



Comments