top of page

OVERALL CHAMPION SA BARMMAA 2026 ang Cotabato City Division, sinundan ng Maguindanao del Norte Division, Maguindanao del Sur at Tawi-Tawi

  • 28 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Pormal nang nagtapos ngayong araw ang BARMMAA 2026.


Sa final standings ng laro, tinanghal na overall champion ang Cotabato City Division, sinundan ng Maguindanao del Norte Division, Maguindanao del Sur at Tawi-Tawi,


Elementary Level Overall Results, nanguna ang Cotabato City Division, sinundan ng Maguindanao del Norte Division, Maguindanao del Sur Division, at Lamitan City Division.


Para naman sa Secondary Overall Results, nanguna pa rin ang Cotabato City Division, kasunod ang Maguindanao del Norte Division, Maguindanao del Sur Division, at Tawi-Tawi Division.


Bahagi rin ng programa ang pagbibigay ng mga special awards bilang pagkilala sa disiplina, organisasyon, at sportsmanship ng mga kalahok.


Kabilang sa mga nagkamit ng special awards ay ang mga sumusunod:


* Lanao del Sur 1 Division – Best in Saludo

* Basilan Division – Best in Uniform

* Amir Bara National High School – Best Host School

* Lanao del Sur Division – Cleanest and Greenest / Eco-Friendly Delegation

* Basilan Division – Most Organized Delegation

* Basilan Division – Most Disciplined Delegation


Sa kabuuan, ayon sa MBHTE, pinatunayan ng BARMMAA 2026 na ang diwa ng palakasan ay hindi lamang nakatuon sa kumpetisyon, kundi pati sa pagkakaisa, disiplina, at pagbubuo ng samahan ng mga kabataang atleta mula sa iba’t ibang panig ng rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page