P1.08M halaga ng smuggled cigarettes, nasabat ng awtoridad sa isang checkpoint operation sa Kalamansig, Sultan Kudarat
- Teddy Borja
- Oct 15
- 1 min read
iMINDSPH

Nasabat ng awtoridad ang 1.08 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang checkpoint operation.
Isinagawa ang checkpoint operation sa Barangay Cadiz, Kalamansig, Sultan Kudarat noong Oktubre 14, 2025, bandang 11:05 ng gabi.
Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, araw ng Martes, October 14, alas 11:05 ng gabi,
sa ilalim ng superbisyon ni PCOL Bernard Lao, ang Provincial Director ng Sultan Kudarat Police Provincial Office.
Sa operasyon, isang van ang pinatigil sa checkpoint. Sa isinagawang inspeksyon, natuklasan ng mga operatiba ang 18 karton na naglalaman ng humigit-kumulang 900 reams ng smuggled cigarettes.
Dalawang suspek ang naaresto kaugnay ng insidente — isang 39-anyos na lalaking driver na residente ng Brgy. Maligdig, Sultan Naga Dimaporo, at isang 35-anyos na lalaking laborer mula sa Brgy. Kinudalan, Lebak, Sultan Kudarat.
Ang mga inaarestong indibidwal at nakumpiskang kontrabando ay dinala sa Kalamansig Municipal Police Station para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.



Comments