P1.5M na halaga ng Medical Assistance, inilaan ni Deputy Speaker at Member of Parliament Atty. Omar Yasser C. Sema para sa libreng eye surgery ng mga residente sa BARMM
- Diane Hora
- Oct 8
- 1 min read
iMINDSPH

Naglaan ng P1.5M na halaga ang pondo si Bangsamoro Transition Authority Deputy Speaker at Member of the Parliament Atty. Omar Yasser Sema para sa mga kababayan sa Bangsamoro Region na nangangailangan ng eye surgery.
Ginanap kahapon ng umaga ang isang Ceremonial Turn-Over at Signing of Memorandum of Understanding ng Ministry of Health sa pangunguna ni Minister Dr. Kadil Sinolinding, Jr. sa Alnor Complex, Cotabato City para sa mga programang Tulong Medical Assistance at Mercury Drug Package Program sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund o TDIF 2025 ng mga Members of Parliament.
Ang tanggapan naman ni BTA Deputy Speaker at Member of Parliament Atty. Omar Yasser Sema ay naglaan ng pondo sa halagang P1.5 milyon para sa programang medical assistance sa Deseret Ambulatory Referral Center, para sa mga nangangailangan ng eye treatment at eye surgery o operasyon sa mata.
Ang naturang assistance ay bukas sa lahat ng mga mamamayan ng rehiyon.
Sa mga nais mag-avail, magtungo lamang sa tanggapan ni Atty. Sema sa BTA Parliament, BARMM Compound, Cotabato City at magdala ng Certificate of Indigency at mga valid ID.
Ayon kay MP Atty. Sema, ito ay isang hakbang upang matulungan ang ating mga kababayang nangangailangan ng tulong medikal, lalo na sa mga operasyon sa mata.



Comments