top of page

P1.9 million halaga ng smuggled cigarettes, mga armas, nasamsam ng awtoridad sa boundary ng Matanog at Parang, Maguindanao del Norte

  • Teddy Borja
  • Aug 6
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nasamsam ang 1.9 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes at mga armas sa boundary ng Parang at Matanog.


Siyam na indibidwal ang arestado sa operasyon.


Ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Parang Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit–MDN, 1401st RMFB14-A, REU-14, at Tactical Support Company RMFB14-A-


alas-5:15 ng umaga, Agosto 1, 2025.


Batay sa impormasyong natanggap mula sa isang confidential informant, agad na ikinasa ang operasyon upang harangin ang tatlong sasakyang kargado ng kontrabando.


Arestado sa operasyon ang siyam (9) na katao na sakay ng:

• Isang brown na SUV

• Isang puting multi-cab

• Isang puting elf truck


Nasamsam din sa operasyon ang 129 kahon ng smuggled cigarettes, pati na ang dalawang armas: isang M16-A1 rifle at isang caliber .45 pistol, kapwa kargado ng bala.


Ayon kay PCOL Eleuterio Ricardo Jr., Provincial Director ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office, ang tagumpay ng operasyon ay bunga ng mabilis na aksyon at mahusay na koordinasyon ng mga yunit ng kapulisan.


Sa ngayon, nasa kustodiya ng Parang MPS ang mga suspek at nakumpiskang kontrabando habang inihahanda ang mga ito para sa pormal na turnover sa Bureau of Customs para sa karampatang proseso at posibleng pagsasampa ng kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page