iMINDSPH

Sa patuloy na pagpapahusay ng healthcare para sa Bangsamoro, opisyal na itinurn over ng AMBaG ang sampung milyong piso na medical assistance sa Lanao del Sur Provincial Hospital.

Ito ay patuloy na suporta ng BARMM Government pagamutan bilang partner hospitals sa pagbibigay ng libreng serbisyong pangkalusugan lalo na sa mga mahihirap na residente.

Ang fund transfer ay tinanggap ng Chief of Clinics Dr. Sittie Nayma Pandi-Lamping at ng iba pang opisyal ng hospital.
Ang financial support ay laan para sa medical needs ng indigent patients at mula sa marginalized communities sa mga vital treatments, medications, at iba pang critical medical interventions.
Ang AMBaG ang isa sa mga flagship programs ng tanggapan ni Chief Minister Ahod Ebrahim.
Comentários