P13.2 billion Patikul-Jolo Circumferential Road, water supply at sanitation projects sa Sulu at updated financial report ng Special Development Fund ng BARMM, hinimay sa unang Special BEDC Meeting
- Diane Hora
- 9 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua ang unang Bangsamoro Economic and Development Council o BEDC meeting ngayong taon.

Bilang chairperson ng konseho, nanguna rin si Macacua sa pagtalakay sa ₱13.2 billion Patikul-Jolo Circumferential Road, water supply at sanitation projects sa Sulu, gayundin ang updated financial report ng Special Development Fund ng Bangsamoro Government.

Para sa opisyal, higit pa sa numero o plano ang mga nabanggit na impormasyon, mahalaga aniya ito upang mapalalim pa ang mga kapayapaang natatamasa sa rehiyon, pagpapahusay ng public service at pagkakaroon ng matatag na ekonomiya sa rehiyon.
Sa ilalim aniya ng Moral Governance, patuloy na nagsusumikap ang Bangsamoro Government ayon kay Macacua upang maging konkreto ang mga hangarin tungo sa isang inclusive progress ng isang Matatag na Bangsamoro.
Comments