top of page

P142,120 na halaga ng suspected shabu, nasamsam ng awtoridad sa General Santos City; Target sa operasyon, nakatakas sa ikinasang operasyon sa lugar

  • Writer: LERIO BOMPAT
    LERIO BOMPAT
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nasamsam ng awtoridad ang 142 thousand pesos na halaga ng suspected shabu, nakatakas naman ang suspek na target sa operasyon.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Eboy”, 37-anyos na subject sa seach warrant.


Nakatakas ang suspek sa ikinasang operasyon, araw ng Miyerkules, October 29 sa

Barangay Fatima, General Santos City.


Mula sa lugar ay nakumpiska ng mga awtoridad ang anim (6) na sachets ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang bigat na 20.9 gramo at tinatayang may halagang ₱142,120.00 ayon sa Standard Drug Price.


Ang lahat ng nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa Police Station 7 para sa wastong dokumentasyon at disposisyon, alinsunod sa itinakdang mga pamantayan ng operasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page