top of page

P15 million na pondong medikal, laan ng tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura sa CRMC, gayundin ang LIMO utility vehicle

iMINDSPH


15 million pesos na medical assistance ang laan ng tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura sa Cotabato Regional and Medical Center para sa unang tatlong buwan ngayong taong 2025.



Gagamitin ang naturang pondo upang makatulong sa mga indigent patients mula sa iba’t-ibang bayan sa distrito ng Maguindanao del Norte na naka-confine sa naturang ospital.



Mahigit isang daang milyong pisong medical assistance na ang naiturn over ng tanggapan ng kongresista sa pagamutan para sa hospital bill, gamot, laboratory procedures ng mga indigent patients kabilang na ang mga minor at major operations.



Samantala, isang multipurpose utility vehicle o LIMO service ang kaloob ng mambabatas sa CRMC.


Ayon kay CRMC Medical Chief Dr. Ishmael Dimaren, malaking tulong ito upang mapadali ang transportasyon ng mga pasyente at mga kawani ng ospital.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page