top of page

P16M Smuggled Cigarettes,Nasabat ng awtoridad sa joint Maritime Operation sa Zamboanga

  • Feb 20
  • 1 min read

iMINDSPH



Tinatayang 16 million pesos na halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes na nasabat ng Police Regional Office 9 (PRO9) sa isinagawang joint maritime operation sa karagatan malapit sa Sta. Cruz Island.


Ayon sa report dakong alas-8:30 ng gabi, araw ng Lunes, February 16, nang maharang ng mga operatiba ang isang motorized vessel na may kargang malaking bulto ng umano’y kontrabandong sigarilyo.


Aniya, nabigong makapagpakita ang mga sakay ng bangka ng kaukulang shipping at transport documents para sa kanilang kargamento, dahilan upang kumpiskahin ang sasakyang pandagat at i-escort ito patungo sa isang itinalagang pantalan sa Zamboanga City para sa wastong disposisyon.


Habang patungo sa pantalan, nakakita rin ang mga tauhan ng isa pang motorized vessel na inabandona ng hindi nakilalang mga tripulante sa parehong maritime area. Agad din itong siniguro at dinala para sa inspeksyon at dokumentasyon.


Sa isinagawang imbentaryo kasama ang Bureau of Customs o BOC, natuklasan ang kabuuang 280 master cases ng iba’t ibang brand ng sigarilyo. Batay sa valuation ng BOC, umabot sa ₱16,044,000 ang tinatayang market value ng mga nasabat na kontrabando.


Pormal nang isinuko ang mga nakumpiskang sigarilyo at mga sasakyang pandagat sa BOC–Port of Zamboanga para sa kaukulang disposisyon at karagdagang legal na proseso.


Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong indibidwal habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page