top of page

P18M halaga ng rice processing system, ipinagkaloob ng tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura sa isang kooperatiba sa Upi, MDN katuwang ang PHILMECH-DA, MAFAR, Provincial Government, at LGU Upi

  • Diane Hora
  • 14 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Sanib pwersa ang tanggapan ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Representative Bai Dimple Mastura, PHILMECH-DA, MAFAR-BARMM, Provincial Government ng Maguindanao del Norte at ng lokal na pamahalaang bayan ng Upi sa pagpasinaya ng Rice Processing System na ipinagkaloob sa Purok Malipayon Agricultural Cooperative sa Brgy. Nangi sa bayan ng Upi.



Nagkakahalaga ang naturang proyekto ng mahigit 18-milyong piso na binubuo ng state of the art multi-stage rice mill at dalawang recirculating dryers.



Ayon kay Mariano Real Jr., ang presidente ng Purok Malipayon Agricultural Cooperative, malaking tulong ang pasilidad para maibsan ang production at labor cost.



Ang naturang pasilidad ay kauna-unahan sa Bangsamoro Region sa ilalim ng rice mechanization program na magpapatuloy pa sa loob ng limang taon bunga ng pag amyenda sa Rice Tarrification law, na isinulong sa Kongreso kabilang na si Congw. Dimple Mastura.



 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page