P19,107 3 MONTHS STIPEND Tinanggap ng 321 Islamic teachers mula sa SGA, Cotabato City, Lanao del Sur at Maguindanao sa ilalim ng MOLE internship program
- Apr 10
- 1 min read
iMINDSPH

Ini-release na ng MOLE BARMM ang stipend ng 321 Asaatidh/Ustadzes sa ilalim ng Bangsamoro Internship Development Program (BIDP) noong Abril 8 sa Jamiat Cotabato and Institute of Technology.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa Hay-atul Ulama na nagmula sa iba’t ibang lugar sa BARMM kabilang ang Special Geographic Area, Cotabato City, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, at Maguindanao del Sur. Ilan sa kanila ay kabilang din sa persons with disability o PWD.
Sa loob ng tatlong buwan, nagsilbi ang mga ustadz at ustadzah bilang mga guro sa kani-kanilang komunidad. Bawat isa ay tumanggap ng ₱6,369 kada buwan, o kabuuang ₱19,107 para sa tatlong buwang serbisyo.
Ayon sa MOLE, naging matagumpay ang implementasyon ng BIDP sa ilalim ng direktiba ni Minister Muslimin Bapa Mus Sema, bilang pagkilala sa mahalagang papel ng Islamic educators sa paghubog ng kinabukasan ng rehiyon.
Binigyang-diin naman ni MOLE Director General Datu Surab Abutazil Jr. ang kahalagahan ng pagbibigay-halaga sa serbisyo ng mga Islamic teachers, na aniya’y konkretong suporta ng pamahalaan para sa kanilang misyon.
Nagpasalamat din ang mga benepisyaryo sa natanggap na tulong at benepisyo.
Samantala, inanunsyo ng MOLE na magpapatuloy ang serye ng payout ng BIDP stipends sa mga isla ng BARMM sa mga susunod na araw upang mas marami pang religious educators ang matulungan.



Comments