P2,121,660.00 halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng awtoridad sa Toril Davao City
- Teddy Borja
- 3 hours ago
- 1 min read
IMINDSPH

Nasamsam ng awtoridad ang mahigit 2 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes
Ikinasa ang operasyon ala 10:37 ng gabi, araw ng Miyerkules, November 5.
Ito’y matapos isagawa ang pursuit operation mula sa isang checkpoint sa Aguis, Barangay Eden na sinundan ng interception sa Purok 2, Barangay Lubogan, Toril.
Ang mga kontrabando ay isinilid sa limampu’t apat na mga kahon.
Ayon sa Davao City Police Office, ang matagumpay na operasyon ay resulta ng pagtutulungan ng iba’t ibang law enforcement units.



Comments