P20-M SUSPECTED SHABU, NASAMSAM Sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Picong, Lanao del Sur; 2 negosyante, arestado sa operasyon
- Mar 10
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang mga naaresto sa alyas na “Ben”, 55 taong gulang, residente ng General Trias, Cavite at isang alyas “Abag”, residente ng Talitay, Maguindanao del Norte.
Isinagawa ang buy-bust, ala 7:30 ng umaga, araw ng Lunes, March 9 sa Barangay Maladig ng bayan.
Narekober sa buy-bust ang mahigit-kumulang 3,054 gramo ng suspected shabu at may Standard Drug Price na Php 20,767,200.00.
Nakumpiska rin ang 500,000 pesos na pera, dalawang mobile phones at IDs, gayundin ang isang SUV.
Agad dinala ang mga naaresto at nakuhang ebidensiya sa Picong MPS para sa documentation at paghahain ng kaukulang kaso.
Ang matagumpay na operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng RDEU/RSOG PRO BAR PSOG/PDEU LDSPPO, PIU LDSPPO, RID PRO BAR, 1st at 2nd PMFC LDSPPO, 1403rd RMFC RMFB14-A, PDEG BARMM, PDEA BARMM, at Picong MPS



Comments