P200K halaga ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuan, itinurn-over sa Kidapawan City Police Station
- Teddy Borja
- Sep 11
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawang daang libong piso na halaga ng pinaniniwalaang pinatuyong dahon ng marijuana ang itinurn-over sa police station ng lungsod.
Alas 8:00 ng umaga, araw ng Miyerkules, September 10 nang dinala ng mga Barangay Officials ng Linangkob, Kidapawan City ang isang kahon na naglalaman ng 10 bricks ng suspected dried marijuana leaves na tumitimbang ng sampung kiilo.
Nadiskubre ito ng mga barangay officials sa kasagsagan ng kanilang isinagawang roving sa tabi ng ilog, 100 metro ang layo mula sa Linangkob National High School.
Pinuri naman ng Kidapawan City Police Station ang pagiging mapagmatyag at agarang pakikipag ugnayan ng mga barangay officials.
Hinikayat ng awtoridad ang publiko na patuloy na suportahan ang kanilang kampanya laban sa illegal drugs.



Comments