P200M Pondo para sa Hajj at Umrah Program, ipinanukala ni ICM Macacua para sa 2026 Budget
- Diane Hora
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinalakas pa ng Bangsamoro Government sa ilalim ng administrasyon ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua ang suporta nito sa mga Muslim Ummah sa Bangsamoro.
Base sa proposed budget for fiscal year 2026, dinoble ang pondo para sa Hajj and Umrah Program ng Bangsamoro Pilgrimage Authority o BPA na nasa halagang ₱200 million para sa Fiscal Year 2026.
Layunin nito na mapalawak pa ang hakbang sa pagtulong sa mga dating combatants at iba pang kwalipikadong beneficiaries.
Ang naturang pagtaas ng budget ay resulta ng kasunduan sa pagitan ng BPA at ng National Commission on Muslim Filipinos na magbibigay-daan upang madagdagan ang bilang ng mga former combatant beneficiaries na makadadalo sa Hajj at Umrah mula 150 noong nakaraang taon tungo sa 500 pilgrims sa 2026.
Layunin ng inisyatibang ito na hindi lamang matulungan ang mga dating mandirigma na maisagawa ang isa sa pinakamahalagang tungkulin sa Islam, kundi mapalakas din ang kanilang socio-economic reintegration sa lipunan bilang bahagi ng tuluy-tuloy na proseso ng kapayapaan.



Comments