P235K halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng awtoridad sa isang checkpoint sa Kiamba, Sarangani Province; Driver ng kotse na pinagkargahan ng puslit na sigarilyo na residente ng Buluan, Maguindana
- Teddy Borja
- Sep 8
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng awtoridad ang mahigit dalawang daang libong piso na halaga ng smuggled cigarettes sa isang checkpoint. Arestado naman ang driver ng kotse na pinagkargahan ng puslit na mga sigarilyo na residente ng Buluan, Maguindanao del Sur.
Nahuli ang suspek at ang puslit na mga sigarilyo, alas 4:16 ng hapon, araw ng Sabado, September 6 sa Barangay Katubao.
Wala umanong maipakitang legal na dokumento ang driver na kinilalang si alyas “Ebrah”, 39 years old nang tumambad sa mga operatiba ang mga kontrabando sa ilalim ng backseat flooring na tinakpan ng car matting at sa trunk ng sasakyan.
Dinala na sa Kiamba Municipal Police Station ang suspek para sa wastong dokumentasyon at disposition.



Comments