P3.4 million halaga ng suspected shabu, nasamsam ng PDEA BARMM sa buy-bust operation sa Marawi City; 2 lalaki, arestado sa operasyon!
- Teddy Borja
- Jan 20
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM ang 3.4 million pesos na halaga ng suspected Shabu sa buy-bust operation sa Marawi City.

Limang daang gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng 2.4 million pesos na isinilid sa plastic bag ang nasamsam ng PDEA BARMM sa buy-bust operasyon sa Barangay Matampay, Marawi City, a-18 ng Enero.

Tiklo sa operasyon ang isang alyas “Jamael” at isang alyas “Mahid”.

Bukod sa suspected shabu, nakuha rin ng otoridad sa operasyon ang isang cellphone, identification card, dalawang motorsiklo at buy-bust money.
Nakakulong na sa PDEA BARMM Jail Facility ang mga naaresto, haharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Katuwang ng PDEA BARMM sa matagumpay na operasyon ang 45th Special Action Company at 4th Special Action Battalion.
Comments