top of page

P30K SHELTER ASSISTANCE Tinanggap ng mahigit 900 pamilya na biktima ng sunog sa Bongao, Tawi-Tawi

  • Mar 10
  • 1 min read

iMINDSPH



Namahagi ang MSSD ng cash assistance sa kabuuang 902 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa malaking sunog sa Barangay Lamion, Bongao, noong ika-3 ng Pebrero, 2026.


Bilang bahagi ng crisis response, sa ilalim ng Emergency Shelter Assistance (ESA) Program, bawat apektadong pamilya ay nakatanggap ng ₱30,000 upang magamit sa pagkukumpuni o muling pagpapatayo ng kanilang mga bahay.


Sinimulan ng MSSD ang payout noong Marso 5, 2026, sa MBHTE Gymnasium kung saan 894 na pamilya ang unang nakakuha ng kanilang financial assistance. Sinundan ito noong Marso 6, ng pamamahagi para sa natitirang mga beneficiaries sa MSSD Tawi-Tawi Provincial Office sa Barangay Tubig Mampallam.


Bago ang pamamahagi, ayon sa MSSD, nagsagawa muna ang Bongao Unit Office ng isang masusing assessment. Batay sa report, lumabas na totally damaged ang mga bahay ng lahat ng 902 pamilya, kaya naman kailangan ang pinansyal na interbensyon para sa kanilang mabilis na pagbangon.


Ang ESA Program ay isang mahalagang inisyatibo ng MSSD na naglalayong magbigay ng suporta sa mga bulnerableng sektor at mga Internally Displaced Persons (IDPs) sa buong Bangsamoro region na biktima ng mga sakunang natural man o gawa ng tao.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page