top of page

P364-M Halaga ng marijuana nasamsam ng pulisya laban sa ilegal na marijuana sa Cordillera Administrative Region

  • 2 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Nakumpiska ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region ang mahigit ₱364-milyong halaga ng ilegal na droga sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na marijuana gamit ng drone.


Ayon sa Radyo Pilipinas, sa pulong balitaan sa Camp Dangwa sa La Trinidad, Benguet, sinabi ni Ericson Dilag, Regional Director ng PRO CAR, na tumaas ang accomplishment ng kanilang kampanya laban sa ilegal na marijuana dahil sa paggamit ng drone sa surveillance operations.


Dagdag sa report, batay sa datos ng Philippine National Police, umabot sa mahigit isang milyong gramo ng dried marijuana leaves, higit 1.2 milyong marijuana plants, at mahigit 35,000 marijuana seedlings ang nakumpiska mula Enero 2026 hanggang Pebrero 18, 2026, na may kabuuang halagang lampas ₱364 milyon.


Mas mataas ito kumpara sa mahigit ₱123 milyong halaga ng marijuana na nakumpiska sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Radyo pilipinas.


Ayon pa kay Dilag, bumuo ang PRO CAR ng isang drone o “Squadrone” unit para sa mas epektibong pagmamanman sa mga lugar na posibleng pinagtataniman ng marijuana.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page