P44M halaga ng smuggled cigarettes at unregistered na appliances, nasamsam ng awtoridad sa operasyon sa Bulacan at Zamboanga Sibugay
- Jan 19
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng Philippine National Police ang P44 milyon halaga ng unregistered appliances at smuggled cigarettes sa dalawang magkahiwalay na operasyon kung saan pitong indibidwal ang arestado
Sa isinagawang raid ng CIDG Regional Field Unit 3, Bulacan PPU, at Bocaue MPS, naaresto ang limang suspek—kabilang ang isang Chinese national at apat na Filipino—dahil sa paglabag sa Republic Act 7394 o Consumer Act of the Philippines.
Nakumpiska ang libo-libong kahon ng unregistered brand appliances kabilang ang-
gas stoves, air fryers, water dispensers, heaters, vacuum cleaners, air coolers, at multifunctional steamers.
Tinatayang aabot sa Php 43,733,700 ang halaga ng mga nasamsam na appliances.
Sa magkahiwalay na anti-smuggling operation sa Zamboanga Sibugay naman, dalawang suspek ang naaresto at nakumpiska ang 18 master cases ng smuggled cigarettes, 83 reams ng smuggled cigarettes, at isang motorized boat.
Ang kabuuang halaga ng mga nasamsam ay tinatayang Php 1,126,518.
Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang items sa kani-kanilang PNP units para sa karagdagang imbestigasyon at wastong disposisyon.



Comments