top of page

P5.00 PROVISIONAL FARE INCREASE Para sa mga tricycle driver, aprubado na ng Cotabato City Council sa pamamagitan ng isang resolusyon

  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Sentrong usapin sa ginanap na sesyon ngayong araw ng Sangguniang Panlungsod ang inaprubahang resolution hinggil limang peso na provisional fare increase para sa mga tricycle driver.


Binigyang-diin din ng bise alkalde ang usapin sa ruta ng mga tricycle, kabilang ang mga isyu ng pagpasok sa mga hindi saklaw na lugar tulad ng downtown at ang kompetisyon sa iba pang transport mode.


Dagdag pa ng opisyal, may mga sektor din ng jeepney drivers na humihiling ng dagdag pasahe, ngunit hindi ito maaaring agad na maipagkaloob dahil saklaw ito ng national regulations.


Dagdag pa niya na mahirap para sa ilang transport groups na direktang makipag-ugnayan sa BARMM, kaya ang lokal na pamahalaan ang nagsisilbing tulay upang maiparating ang kanilang mga concern.


Sinabi ng pamunuan na ang karagdagang singil sa mga PUJ na umano’y na sa ₱20 ay hindi sapilitan at nakabatay sa boluntaryong pagbibigay ng pasahero.


Nagpaalala rin ang pamunuan sa publiko na ang anumang karagdagang bayad ay nakadepende sa kasunduan at hindi dapat ipilit sa mga pasahero.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page