top of page

P64m Lgsf-financial Assistance para sa lalawigan ng Basilan, malaking tulong ayon sa provincial government para mas mapalawak ang pamamahagi ng bigas sa probinsya

  • Feb 25
  • 1 min read

iMINDSPH



Ayon sa Provincial Government, ang dagdag na pondo ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng transparency at responsive governance sa pamumuno ni Governor Mujiv Hataman.


Ayon sa pamahalaang panlalawigan, malaking tulong ang ₱64 milyon upang mas mapalawak ang isinasagawang pamamahagi ng bigas sa iba’t ibang bayan sa Basilan, partikular para sa mga pamilyang higit na nangangailangan. Layunin nitong mas marami pang benepisyaryo ang maabot at mas mapatatag ang food security sa lalawigan.


Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy ang rice distribution ng Provincial Government bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at upang masuportahan ang araw-araw na pangangailangan ng mga Basilenyo.


Binigyang-diin ng pamahalaang panlalawigan na ang karagdagang pondo ay magbibigay-daan sa mas sistematikong implementasyon ng rice assistance program, kasabay ng layuning tiyakin na walang pamilyang maiiwan sa panahon ng economic challenges.


Sa pamamagitan ng suporta mula sa national government at ng lokal na pamunuan, patuloy umano ang hakbang ng Basilan LGU tungo sa mas inklusibo at mas matatag na seguridad sa pagkain para sa lahat.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page