top of page

P6K cash assistance, tinanggap ng mga senior citizen mula sa 6 barangay ng Sulta Mastura, Maguindanao del Norte

  • Diane Hora
  • 35 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Tinanggap ng mga senior citizen mula sa anim na barangay ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte ang 6,000 pesos na cash assistance mula sa na national government.


6,000 pesos ang tinanggap ng bawat senior citizen ng barangay ng Simuay Seashore, Sulon, Tambu, Tapayan, Tariken, at Tuka, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, sa isinagawang cash assistance payout, araw ng Miyerkules, August 27.


Pinangunahan ni Former Mayor Datu Mando Mastura, Jr. ang pamamahagi ng Cash Assistance Payout sa Municipal Gymnasium bilang kinatawan ng kanyang ama, si Mayor Datu Armando Mastura, Al-hadji.


Ang nasabing programa ay pinondohan ng National Government at naisakatuparan sa tulong ni Elena Toribio, RSW, Municipal Social Services and Development Officer (MSSDO), katuwang ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at ang Ministry of Social Services and Development–BARMM (MSSD-BARMM), kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Sultan Mastura.


Namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng Jollibee meal lunch sa mga senior citizen beneficiaries na labis namang ipinagpasalamat ng mga ito.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page