P705K smuggled cigarettes, nasamsam ng awtoridad sa General Santos City; 3 suspek, arestado
- Teddy Borja
- Sep 19
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Sai-Sai”, 34-anyos, alyas “Eboy”, 44 taong gulang at alyas “Nash”, 16 taong gulang, pawang residente ng Barangay Dadiangas South, General Santos City.
Nahuli ang mga ito ala 7:00 ng gabi, September 17 sa pamilihang bayan ng Dadiangas South ng syudad.
Agad dinala ang mga naaresto sa Police Station 6 para sa wastong dokumentasyon at disposisyon, habang ang nakumpiskang mga sigarilyo ay itinurn-over sa Bureau of Customs (BOC) sa General Santos City.
Samantala, ang menor de edad na suspek ay itinurn-over sa Women and Children Protection Desk (WCPD) para sa pangangalaga alinsunod sa Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act.
Pinuri ni PRO 12 Regional Director, PBGEN Arnold Ardiente, ang maayos na koordinasyon ng mga yunit ng GSCPO sa kampanya laban sa smuggling.



Comments