P744K SUSPECTED MARIJUANA, NASAMSAM Sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa General Trias, Cavite; Dalawang high-value drug personalities, arestado sa operasyon
- Mar 11
- 1 min read
iMINDSPH\

Kinilala ang mga naaresto sa alyas na “Hash Haily”, 22 taong gulang at “Makushlyn”, 21 taong gulang, kapwa residente ng naturang lungsod.
Isinagawa ang buy-bust operation alas-6 ng gabi noong March 9, 2026 sa Barangay Biclatan ng nasabing lungsod.
Narekober mula sa mga suspek ang tinatayang 6,200 gramo ng suspected dried marijuana leaves, seeds at stalks na may tinatayang halaga na Php 744,000.00, gayundin ang apat na hinihinalang marijuana plants at buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 o Sale of Dangerous Drugs, Section 11 o Possession of Dangerous Drugs, at Section 16 o Cultivation of Dangerous Drugs ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 2 at Team 1, kasama ang Philippine National Police Drug Enforcement Unit – Cavite.



Comments