P74K SUSPECTED SHABU, NASAMSAM Street-level drug personality, arestado sa isinagawang operasyon ng awtoridad sa Norala, South Cotabato
- Apr 6
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Norala, South Cotabato —
Nasamsam ng awtoridad ang mahigit 74,000 pesos na halaga ng suspected shabu sa ikinasang operasyon kung saan arestado rin ang isang street-level individual drug personality Kinilala ang suspek sa alyas na “Banjo”, 37 taong gulang, binata, walang trabaho, at residente ng nasabing lugar.
Nasamsam mula sa kanyang pag-iingat ang isang sling bag na naglalaman ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na humigit-kumulang 11 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱74,800.
Ang suspek ay kabilang sa listahan Street Level Individual at may nauna nang kaso kaugnay sa paglabag sa Republic Act 9165.
Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments