top of page

P766K halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng awtoridad sa ikinasang anti-smuggling operation sa General Santos City

  • Teddy Borja
  • Oct 21
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nasamsam ng awtoridad sa General Santos City ang mahigit 700k pesos na halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang joint anti-smuggling operation.


Ikinasa ang operasyon alas 8:30 ng gabi, araw ng Linggo, October 19 sa Barangay Apopong.


Nadiskubre ng awtoridad ang ilang indibidwal na nagkakarga ng kahina-hinalang produkto ng sigarilyo sa isang mini van sa tapat ng J&T warehouse sa Barangay Apopong.


Nang tanungin umano ng mga awtoridad ang mga ito ng legal na dokumento o permit para sa nasabing produkto, bigo umano na makapagpakita ang mga ito.


Kinilala ang mga ito sa alyas na “Nods”, 47-anyos, isang alyas “Amel”, 26 years old, isang alyas “Juls”, 25 years old, pawang residente ng Labangal, General Santos City at isang alyas “Milven”, 32 anyos, driver, residente naman ng San Jose, General Santos City.


Umabot sa tatlumpu’t siyam na kahon ang nakumpiska na may laman na 975 reams ng sigarilyo.


Ang mga naarestong indibidwal ay agad na isinailalim sa medical examination bago pa man dinala ang mga ito sa detention cell ng Police Station 2 sa General Santos City.


Ang mga nasamsam na kontrabando ay ituturn over naman sa Bureau of Customs sa Makar, Brgy. Labangal, para sa proper documentation at safekeeping.


Kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act ang kakaharapin ng mga naaresto.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page