top of page

78.5 percent settlement rate, naitala ng MOLE sa usapin ng labor dispute sa taong 2025, patunay ayon sa ministry ng kanilang mabisang conciliation at mediation efforts

  • Diane Hora
  • Jan 19
  • 1 min read

iMINDSPH


Ipinakita ng Ministry of Labor and Employment – BARMM (MOLE-BARMM) ang matibay na performance nito sa pagresolba ng mga sigalot sa paggawa matapos maitala ang 78.5 percent settlement rate sa ilalim ng Labor Case Management Program para sa Fiscal Year 2025—patunay ng bisa ng conciliation at mediation efforts ng ministeryo.


Batay sa opisyal na datos, 130 Requests for Assistance o RFAs ang pinangasiwaan ng MOLE-BARMM noong Fiscal Year 2025. Sa bilang na ito, 102 RFAs ang matagumpay na na-settle, na nagresulta sa ₱3.74 milyon na monetary awards para sa mga manggagawa. Samantala, 15 RFAs ang iniakyat sa National Labor Relations Commission o NLRC para sa karagdagang adjudication, habang 13 RFAs ang isinara o winithdraw.


Ayon kay MOLE Minister Muslimin Sema, ipinapakita ng mga bilang ang malinaw na paninindigan ng MOLE-BARMM sa mabilis at makatarungang pagresolba ng mga labor disputes sa rehiyon.


Ang Labor Case Management Program ay isa sa pangunahing mekanismo ng MOLE-BARMM sa pagtugon sa mga usaping paggawa sa antas-rehiyon, na layong magbigay ng accessible at responsive services kapwa sa workers at employers.


Muling iginiit ni Minister Sema na patuloy pang palalakasin ng ministeryo ang dispute resolution initiatives bilang bahagi ng mandato nitong isulong ang social justice at inclusive development sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, alinsunod sa bisyon ng isang decent, competitive, productive, at sustainable employment para sa mga Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page