top of page

P78M halaga ng iligal na droga at kontrabando, nakumpiska ng PNP sa loob ng 2 araw na magkakahiwalay na operasyon sa buong bansa kung saan 21 most wanted persons ang arestado

  • Teddy Borja
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mula Oktubre 28 hanggang 29, 2025, 21 wanted persons ang nahuli ng PNP at nakasamsam ng ₱78,549,492.00 halaga ng ilegal na droga at kontrabando sa magkakaugnay na operasyon sa iba't ibang bahagi ng bansa.


Kabilang ang mga regional at provincial level most wanted persons ay sangkot sa mabibigat na krimen tulad ng murder, qualified theft, sexual assault, multiple attempted murder, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o RA 9165 at Illegal Possession of Firearms Act o RA 10591.


Ang mga nasabing operasyon ay isinagawa ng Police Regional Offices, katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Intelligence Group, at Special Action Force, na nagresulta sa pagkakahuli ng mga regional-level MWPs at iba pang wanted persons na may warrants of arrest.


Binigyang-diin ni PNP Spokesperson PBGEN Randulf Tuaño ang mahusay na pagtutulungan ng mga yunit sa field, at sinabi niyang bawat pagkakahuli at pagkakasamsam ay tunay na tagumpay para sa kaligtasan ng publiko.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page