P8.00-P18.00 PANIBAGONG OIL PRICE HIKE Ipinatupad ng ilang fuel stations sa Cotabato City; Presyo ng Diesel pumalo na sa P155/Litre, P104/Litre sa gasoline at P105/Litre sa Kerosene
- Apr 7
- 1 min read
iMINDSPH

Panibagong pasanin na naman sa mga driver ng pampasaherong sasakyan ang panibagong oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis.
Pumalo na sa ₱154 hanggang ₱155 ang presyo ng kada litro ng diesel, ₱104 ang gasolina, at ₱105 ang kerosene sa ilang fuel station sa Cotabato City ngayong araw.
Ayon sa ilang estudyanteng nakausap ng news team, malaki na ang epekto ng pagtaas ng pamasahe sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Imbes na mapunta sa pagkain at school supplies ang kanilang baon, napupunta na lamang ito sa pamasahe, kaya napipilitan na rin silang maglakad upang makatipid.
Samantala, apektado rin ang maliliit na negosyo sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis tulad carinderia.
Ayon kay Tita Sweety, na halos dalawang dekada nang nagbebenta, pinipili pa rin nilang huwag itaas ang presyo ng kanilang paninda.



Comments