top of page

P8.3 million pesos na halaga ng suspected shabu, nasamsam sa 325 anti-illegal drug operations ng mga tauhan ng PNP PRO 11 sa buong buwan ng Hulyo kung saan 367 indibidwal ang arestado

  • Teddy Borja
  • Aug 5
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isinagawa ang operasyon sa buong buwan ng Hulyo ngayong taon.


Sa 367 na naaresto, ayon sa PNP PRO 11, 367 dito ang drug personalities, kung saan 77 ang High Value Individuals (HVI) at 290 naman ang Street-Level Individuals.


Ayon sa PNP PRO 11, ang tagumpay ng operasyon ay bunga umano ng masusing koordinasyon, intelligence driven strategies at ang dedikasyon ng mga operatiba sa buong rehiyon.


Kaugnay nito, nananawagan ang PRO 11 sa publiko na manatiling mapagmatyag at makiisa sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagrereport ng anumang kahina-hinalang aktibidad na may kinalaman sa ilegal na droga.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page