PAGBAYAD SA MGA SUPPLIER, TULODKAN ANG DELAYS Pinaiigting ng Blue Ribbon Committee sa patuloy na pagsasagawa ng inquiry habang pinalalakas ang transparency sa BARMM government
- Apr 9
- 1 min read
iMINDSPH

Ayon kay BTA Blue Ribbon Committee Chair Rasol Mitmug Jr., nakatutok ang komite sa long-term solutions. Kaya pinaiigting ang kampanya nito para masigurong on time at kumpleto ang bayad sa mga suppliers, wakasan ang delays at palakasin ang transparency sa lahat ng ministries, offices, at agencies sa Bangsamoro Autonomous Region.
Dagdag pa niya, hindi dapat mabayaran na ang mga obligasyon bago magtapos ang transition period.
Sa ilalim ng inquiry in aid of legislation, pinagsama-sama ng BRC ang iba’t ibang ahensya at stakeholders para tukuyin ang mga systemic gaps at makabuo ng polisiya laban sa paulit-ulit na delays sa bayaran.
Samantala, iniulat ng Bangsamoro Task Force on Special Concerns na umabot na sa 67.01% ng recorded obligations ang nabayaran hanggang Disyembre 2025, habang may ilang ministries pa na hindi pa nakakapagsumite ng updated data.
Aktibo ring inaaksyunan ang mga reklamo—online man o personal—kung saan ilan na ang naresolba at nabayaran.
Hinimok ng komite ang BARMM Business Council at iba pang stakeholders na ipagpatuloy ang pagsusumite ng concerns sa complaint mechanism ng task force, upang agad matugunan ang delayed payments at pending obligations.
Nanawagan naman ang mga mambabatas sa Ministries, offices, at agencies na bilisan ang internal processes, paigtingin ang komunikasyon sa suppliers, at bigyang-prayoridad ang mga lokal na negosyo.
Muli namang tiniyak ng Commission on Audit (COA) ang papel nito bilang katuwang sa pagsusulong ng good governance at transparency.
Sa huli, kokonsolidahin ng BRC ang lahat ng inputs upang makabuo ng mga panukalang batas na magpapahusay sa payment systems at magpapatupad ng mas mahigpit na accountability sa mga transaksyon ng pamahalaan.



Comments