top of page

Pagbibigay ng Special Hardship Allowance sa mga public school teacher sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi na katumbas ng 25% ng monthly salary ng mga guro, isinusulong ng isang mambabatas sa BTA Parliament

  • Diane Hora
  • 4 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Inihain ni Member of Parliament Abrar Hataman ang Parliament Bill No. 368 o ang Special Hardship Allowance para sa mga public school teachers sa probinsya ng Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.


Ang ipinapanukalang allowance ay katumbas ng 25 percent ng buwanang sahod ng mga guro. Ayon sa panukala, ibibigay ito sa loob ng sampung buwan kada taon at ire-release quarterly.


Kabilang sa mga makakatanggap base sa proposed measure ay mga guro sa primary at secondary schools, kabilang na ang mga nakabase sa hardship posts, multi-grade teachers, mobile teachers, Alternative Learning System coordinators, at school heads sa hardship areas na tinukoy sa hardship index.


Ang hardship index base sa isinasaad sa panukala ay kinabibilangan ng cost at oras ng transportasyon, human security risks, availability of temporary learning spaces, poverty levels, at access to basic amenities.


Nilalayon ng proposed allowance na kilalanin ang dedikasyon ng mga guro at hikayatin sila ipagpatuloy ang paghahatid ng quality education sa Bangsamoro youth sa kabila ng mga hamon.


Isinasaad din sa panukala na ang pondo hinggil sa hakbang ay manggagaling sa

savings ng Bangsamoro Government, Ministry of Basic, Higher and Technical Education, at future funds na masasama sa Bangsamoro annual budget.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page