Pagdeklarang “unconstitutional” sa appointment ni Abdulraof Macacua bilang Interim Chief Minister at ng 6 na miyembro ng BTA Parliament, hiniling sa Supreme Court sa pamamagitan ng Petition
- Diane Hora
- 1 day ago
- 2 min read
iMINDSPH

Inihain sa Supreme Court ang Petition for Certiorari at Mandamus with with Prayer for
Declaration of Appointment of 6 BTA members and the Interim Chief Minister
Unconstitutional.
Ito ay inihain nina Saiden Abdulwahab at Zacaria Tuan kung saan respondents ang Office of the President, Bangsamoro Transition Authority na nirerepesenta ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua at BTA Speaker Mohammad Yacob.
Sa kanilang petition for certiorari and mandamus, iginiit ng mga petitioner na malinaw sa Republic Act No. 11054, o ang Bangsamoro Organic Law, na ang Moro Islamic Liberation Front ang dapat manguna sa Bangsamoro Transition Authority.
Ayon sa petition, nag-nominate ang MILF ng 41 miyembro upang matugunan ang probisyon ng batas na dapat itong manguna sa BTA. Gayunman, 34 lamang umano ang itinalaga ng Pangulo.
Giit ng mga petitioner, ang desisyon ng Pangulo na magtalaga ng mga miyembro ng BTA kapalit ng mga inendorso ng MILF Central Committee ay sumasalungat umano sa awtonomiya ng Bangsamoro, at isang lantad na paglabag sa Konstitusyon.
Bukod sa appointment ni Macacua, tinutulan din ng mga petitioner ang pagtatalaga ng anim na BTA members na hindi umano inendorso ng MILF. Kasunod ng hakbang, inangkin anila ng appointing authority ang kapangyarihang tukuyin kung sino ang kumakatawan sa MILF—na umano’y binabalewala ang papel ng Central Committee at sumisira sa prinsipyo ng awtonomiya na itinatag ng Bangsamoro Organic Law.
Hinihiling din ng mga petitioner sa Korte Suprema na ideklarang walang-bisa ang Republic Act No. 11593, o ang Amended Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at atasan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtalaga ng mga miyembro ng BTA na titiyak sa pamumuno ng MILF, alinsunod sa umiiral na batas.



Comments