Paghahain ng amnesty at pagkuha ng Safe Conduct Pass (SCP) mula sa NAC, palatandaan ng tiwala ng M!LF ayon kay M!LF AHJAG Chair at authorized verifier Anwar Alamada
- Teddy Borja
- Oct 6
- 1 min read
iMINDSPH

Sa paghahain ng amnesty application ng mga miyembro ng M!LF, kinakailangan ang sertipikasyon ng isang applicant na magpapatunay na ito ay lehitimong miyembro ng grupo.
Sinaksihan ni Alamada ang isinagawang mass filing ng amnesty application, araw ng Sabado sa Aleem Abdulaziz Mimbantas Memorial Center-MILF Panel Satellite Office, Camp Bushra Samiorang, Barangay Sandab, Butig, Lanao del Sur.
Bukod sa paghahain ng amnesty application, sumailalim din sa proseso ang 70 miyembro ng M!LF sa pagkuha ng Safe Conduct Pass na matagumpay na na-isyu ng NAC sa mga ito.



Comments