Paghahanda para sa gagawing B.I.S.I.T.A sa barangay sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, puspusan na
- Diane Hora
- Sep 9
- 1 min read
iMINDSPH

Nagharap sa pulong ang lider at opisyal ng iba’t ibang departamento ng LGU Sultan Mastura araw ng Lunes, September 8 para sa isasagawang BISITA sa Barangay na idadaos a-25 ngayong buwan.
Pinangunahan ang nasabing pagpupulong ni Mayor Datu Armando Mastura, kasama ang kanyang maybahay na si Gng. Den-Dong Mastura, at si Datu Rauf Mastura, CPA-Municipal Administrator.
Dumalo rin at nakiisa si Former Vice Mayor Andy Amir, mga departamento ng Pamahalaang Lokal ng Sultan Mastura, gayundin ang mga kinatawan mula sa tanggapan ni Maguindanao del Norte Congresswoman Bai Dimple Mastura.
Nakiisa rin sa naturang talakayan ang iba’t ibang partner agencies at institusyon, kabilang na ang TINGOG Partylist, Rural Health Unit - Sultan Mastura, Ministry of Social Services and Development (MSSD), Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR), Sultan Mastura Municipal Police Station, at ang Marine Battalion Landing Team-2.
Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang mahahalagang usapin gaya ng mga proposed budgetary requirements ng iba’t ibang sektor, ang mga gawain at aktibidad na isasagawa sa mismong araw ng pagbisita, gayundin ang pag-iimbentaryo ng mga kinakailangang resources upang matiyak ang maayos at matagumpay na implementasyon ng programa.



Comments