Paghalal ng sectoral reps sa ilalim ng BEC, inamyendahan sa ilalim ng inaprubahang PB No. 419; sectoral organizations at sectoral wings ng political parties, kailangang kumuha ng bagong certification
- Diane Hora
- Jan 30
- 1 min read
iMINDSPH

Binibigyang linaw sa ginawang amendments ng Bangsamoro Electoral Code sa ilalim ng inaprubahang PB No. 419 para sa first parliamentary elections na mananatili ang paghalal ng representative ng Non-Moro Indigenous Peoples o NMIPs sa pamamagitan ng sectoral assemly.
Maliban sa NMIPs, magiging synchronized naman sa parliamentary elections at gagamit ng automated election system ang paghalal sa iba pang sectoral representatives.
Ang kandidato ay dapat miyembro ng regional political party o ng isang sectoral party o organization na accredited ng COMELEC at kinailangang may certification ng kaukulang ministry o office base sa kanilang advocacy track record.
Sa ilalim ng inaprubahang BTA Bill 419, nire-revoke at kinakansela nito ang naunang inisyu na certifications para sa sectoral organizations at sectoral wings ng political parties.
Nire-require sa inaprubahang measure ang bagong certification process sa ilalim ng isang
stricter timelines, kabilang na ang non-extendible 15-day period para sa certifying offices na umaksyon sa applications.
Principal authors ng inaprubahang bill si na Members of Parliament Rasol Mitmug, Jr, Amer Zaakaria Rakim, Alirakim Munder, Baintan Ampatuan, Amenodin Sumagayan, Ma-Arouph Candao, Ibrahim Ibay, Zulfikar-Ali Bayam, Abdulbasit Benito, Rashdi Adiong, and Ishak Mastura
Co-authors: MPs Hatimil Hassan, Romeo Sema, Mosber Alauddin, Susana Anayatin, Akmad Abas, Said Shiek, at Baileng Mantawil



Comments