PAGHATI SA MBHTE SA 4 MINISTRIES Roundtable discussion, tinapos na ng Committee on Amendments, Revisions, and Codification of Laws ng BTA Parliament
- Feb 27
- 1 min read
iMINDSPH

Layunin ng panukalang batas na i-restructure ang MBHTE sa apat na specialized offices: ang Ministry of Basic Education, Commission on Higher Education and Development, Bangsamoro Technical Education and Skills Development Authority, at Bangsamoro Madaris Education Office.
Sa talakayan, binigyang-diin ng mga opisyal mula sa national education sector ang kahalagahan ng mas matibay na koordinasyon sa lahat ng antas ng edukasyon upang matiyak ang maayos na paglipat ng mga mag-aaral mula basic hanggang tertiary level.
Iminungkahi rin nila ang pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at non-government organizations, gayundin ang pagpapabuti ng procurement systems upang matugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan—na anila’y mahalagang hakbang para sa mas episyente at mas responsive na sektor ng edukasyon.
Nagpahayag naman ng suporta ang mga kinatawan ng MBHTE sa mga reporma, ngunit binigyang-diin ang ilang aspetong nangangailangan ng masusing pag-aaral upang matiyak na tunay na makikinabang ang mga guro, mag-aaral, at ang kabuuang operasyon ng edukasyon sa rehiyon.
Kasama rin sa napag-usapan ng komite ang mga sectoral updates tulad ng teacher deployment, mga bakanteng posisyon, kondisyon ng school facilities, at implementasyon ng mga programa sa lahat ng antas ng edukasyon.



Comments