Pagiging isang Halal Friendly Philippines, binigyang diin ni Congresswoman Bai Dimple Mastura sa ginanap na 3rd Travel Sale Expo 2025
- Diane Hora
- Oct 1
- 1 min read
iMINDSPH

Isa sa mga panauhin at resource speaker sa 3rd Travel Sale Expo 2025, binigyang diin ni Maguindanao del Norte Representative Bai Dimple Mastura ang kanyang adbokasiya ng isang mas Halal friendly na Pilipinas hindi lamang umano para sa mga lokal na Muslim kundi pati na rin para sa mga international travelers at sa pinalalakas na Halal ecosystem ng bansa.
Ang nasabing expo ay inorganisa ng Global Tourism Business Association at OneKlik Events Management Services, at co-presented ng Department of Tourism (DOT).
Layunin nitong palawakin ang oportunidad sa turismo, kalakalan, at Halal industry, na kinikilala bilang isa sa pinakamabilis na lumalagong sektor sa bansa.
Ayon kay Cong. Mastura, ang pagtataguyod ng inclusivity at empowerment para sa Halal sector ay mahalagang bahagi ng pambansang pag-unlad at pagpapalakas ng turismo.
Aniya, patuloy siyang titindig para sa mga polisiya at programang makikinabang hindi lamang ang Muslim community, kundi ang buong sambayanang Pilipino.



Comments