Pagiging tech-ready ng kapitolyo ng Basilan para sa financial transactions, tiniyak ng provincial government sa tulong ng GCash e-payment solutions
- Diane Hora
- 7 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tinitiyak ni Basilan Governor Mujiv Hataman na tech-ready ang kapitolyo para sa digital transactions.
Sa pakikipagtulungan aniya ng GCash Team sa Basilan Provincial Government, mas magiging mabilis, malinaw, at hassle-free na aniya ang government payments at disbursements para sa mga residente sa lalawigan.
Bumisita sa Basilan Government Center ang mga kinatawan ng GCash at nakipagpulong sa gobernador hinggil sa nasabing hakbang na ayon kay Governor Hataman ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas modernong Basilan.



Comments