Pagkakaisa at matibay na paninindigan sa serbisyo publiko, positibong panimula para sa taong 2026 ng mga opisyal ng Maguindanao del Sur Provincial Government
- Jan 6
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni Governor Datu Ali Midtimbang, kasama si Vice Governor Hisham Nando at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang unang unang flag-raising ceremony ng taon sa provincial government ng Maguindanao del Sur.
Matapos ang seremonya, nagkaroon din ng programa kung saan binigyang diin ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) ang mahalagang papel ng mga kawani sa pagpapatakbo ng Pamahalaang Panlalawigan.
Sa kanyang mensahe, muling pinagtibay ni Gov. Midtimbang ang kanyang buong suporta at pangako sa kapakanan ng mga empleyado, gayundin sa patuloy na pag-unlad at mahusay na pamamahala sa lalawigan.
Tampok din sa programa ang isang bukas na talakayan o open forum kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga kawani na maglahad ng mungkahi, magbahagi ng pananaw, at mag-ambag ng ideya para sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyo ng pamahalaang panlalawigan.
Ang inisyatibang ito ay sumasalamin sa adbokasiya ng inklusibong pamamahala at sa hangaring pakinggan ang tinig ng mga empleyadong nasa unang hanay ng paglilingkod.
Ayon sa pamunuan, ang ganitong mga gawain ay mahalagang hakbang upang higit pang mapalakas ang ugnayan ng liderato at kawani, at upang masiguro na ang mga programa at patakaran ng pamahalaan ay tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mga naglilingkod at ng mamamayan ng lalawigan.



Comments