top of page

Pagkakaisa, binigyang diin ni MILF Chairman Murad Ebrahim sa ginanap na 2nd Abdulrahman Bedis Memorial Military Academy Alumni General Assembly

  • Diane Hora
  • Oct 21
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Binigyang diin ni Moro Islamic Liberation Front Chairman at United Bangsamoro Justice Party President Alhaj Murad Ebrahim na ang pagkakaroon ng lakas ay magmumula sa pagkakaisa kung saan ito ay hangarin at adhikain na siyang gagabay aniya upang maging mas matatag at mas malakas na Bangsamoro.


Ito ang mensahe ng opisyal sa ginanap na 2nd Abdulrahman Bedis Memorial Military Academy Alumni General Assembly.


Pinag-usapan din ang kasalukuyang kalagayan ng Bangsamoro Autonomous Government at hinimok ang bawat isang lumahok sa nalalapit na kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Election na syang magiging susi sa pagpapatatag ng tapat na pamahalaan sa rehiyon.


Aniya ang Bangsamoro ay hindi basta lamang itinatag kundi ito ay bunga ng mahabang dekada ng pakikibaka, bunga ng dugo, pawis at buhay na inalay ng mga Mujahideen at Mujahidat para sa karapatang magpasya para sa sariling pamumuno.


Dagdag ng MILF leader, patuloy na sumulong at manindigan para sa karapatan, itaguyod ang dignidad ng bawat Bangsamoro at ipagpatuloy ang mga laban para sa adhikain at kinabukasan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page