top of page

Pagkakaroon ng irrigation office sa BARMM, nararapat at malaking tulong sa mga magsasaka ayon kay MAFAR Minister

  • Jan 23
  • 2 min read

iMINDSPH



Malaking tulong ang irigasyon sa mga magsasaka. Sa ngayon, wala pang tanggapan ng irigasyon sa BARMM. Nagpapasalamat din si MAFAR Minister Abunawas Maslmama sa isinsusulong na Bangsamoro Irrigation Act of 2022 sa BTA Parliament at sa isinusulong na Bangsamoro Irrigation Coordinating Office. Yes, gagawin namin yan specially irrigation. Malapad ang mga bukirin natin na pwedeng irrigated. technology din yan, irrigation, technoogy din yan. Meron din tayon ma tap na mga tao na pwedeng mag tulog saatin. I think that a very welcome, that is a part of development. Salamat sa mga billl nayan kungbaga nakita ang mga dapat na gawin natin. Dapat na idagdag natin sa ekonomiya kasi kung irrigation ma predict mo na in one year meron kang 3 harvest season kasi kuan yan kasi you can facilitate na magkaroon ng tubig. Kaya nga kaya mong ma predict na in one year is ano dalawang harvest lang ngayon pwedng tatlong harvest season every three months specially yung mga highbreed na mga palay, 3months 4months pwede nang anihin kung kaya mong i predict n in one year for harvest. Oon sa center halimbawa, merong kuan doon malaking bodega halimbawa kasi kailangang merong maimbakan ang mga.


Ang panukalang Bangsamoro Irrigation Authority—o ang Bangsamoro Irrigation Coordinating Office na bahagi ng Parliament Bill No. 42 o ang Bangsamoro Irrigation Act of 2022 ay layong magtatag ng isang regional body na mangangasiwa sa irrigation development, tutugon sa mga kakulangan sa patubig, at magpapalakas ng agricultural productivity sa Bangsamoro.


Nakatuon ang panukala sa pagpapalawak ng irrigation coverage at sa mas mahigpit na coordination sa National Irrigation Administration (NIA) upang mas maayos at episyenteng magamit ang water resources ng rehiyon.


Layunin ng inisyatiba na paunlarin ang irrigation systems, bawasan ang kahirapan, at palakasin ang food security, lalo na’t tinatayang 31% lamang ng potential irrigable areas sa BARMM ang kasalukuyang napapakinabangan.


Sa ilalim ng mga panukala gaya ng Bill No. 107 (2021) at ng Bangsamoro Irrigation Act of 2022, iminumungkahi ang paglikha ng isang tanggapan o awtoridad na magsisilbing coordinating body ng BARMM at ng national NIA, na tututok sa small-scale, communal, at national irrigation systems.


Noong 2023, nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi maaaring akuin ng BARMM Government ang lahat ng assets ng NIA, kaya’t ang saklaw ng kapangyarihan ng rehiyon ay mas nakatuon lamang sa Communal Irrigation Systems o CIS mga sistemang itinatayo at pinamamahalaan sa aktibong partisipasyon ng mga magsasaka.


Sa ngayon, patuloy ang discussions at public consultations na isinasagawa ng Committee on Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (CAFAR) upang mapabilis ang pagtalakay at pagpasa ng panukalang batas.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page