top of page

Pagkakaroon ng Special Education and Development Center sa bawat probinsya sa BARMM para sa mga bata na may special needs, isinusulong ng ilang mambabatas sa BTA Parliament

  • Diane Hora
  • 5 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Itinutulak ng ilang mambabatas sa BTA Parliament ang pagkakaroon ng Special Education and Development o SPED center sa bawat lalawigan sa BARMM.


Ito ay ang proposed BARMM Special Education and Development Act.


Ang center ay magbibigay ng inclusive at specialized learning environments para sa mga bata at youth na mayroong special needs.


Hangad ni Member of the Parliament Abrar Hataman na principal author ng panukala na matiyak na lahat ng mga bata ay umunlad sa kabila ng kanilang diverse abilities, lokasyon at economic background.


Kabilang dito ang mga visually o hearing impaired, autistic, physically o intellectually challenged, o ang mga may behavioral o learning differences.


Base sa panukala, ang Ministry of Basic, Higher, and Technical Education ang mangunguna sa implementasyon sakaling maisabatas ang panukala at may kapangyarihan na pumasok sa isang partnerships, mag-hire ng personnel, at mag-develop ng mga programa sa pakikipagtulungan ng ibang ministries at national agencies.


Hinihikayat din sa panukalang batas ang mga Local Government Unit na maglaan ng pondo mula sa kanilang special education fund para tulungan ang center.


Ipinapanukala na ang pondo sa programa ay mapapasama sa annual General Appropriations Act ng BARMM.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page