top of page

Pagkilala at mataas na paggalang sa ambag ng mga katutubo sa kinabukasan ng Bangsamoro, ipinaabot ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa selebrasyon ng Indigenous Peoples month

  • Diane Hora
  • Oct 6
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa paggunita ng Indigenous Peoples Month at ika-28 anibersaryo ng Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997, ipinahayag ni Chief Minister Abdulraof Macacua ang kanyang taos-pusong pagkilala at mataas na paggalang sa mga mahalagang ambag ng mga Katutubo sa kasaysayan at kinabukasan ng Bangsamoro.


Sa temang “Weaving Culture, Enriching Future”, binigyang-diin ni Macacua ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kultura, tradisyon, at karunungan ng mga Katutubo na aniya’y nagsisilbing haligi ng pagkakaisa at pag-unlad ng rehiyon.


Dagdag pa ng Punong Ministro, nananatiling matatag ang kanyang pamunuan sa pagsusulong ng katarungan, pagkakapantay-pantay, at tunay na kapayapaan para sa lahat ng mamamayang Bangsamoro, anuman ang kanilang tribo o pinagmulan, bilang bahagi ng kanyang pangarap na itaguyod ang #MasMatatagNaBangsamoro.


Ang Indigenous Peoples Month ay ginugunita tuwing Oktubre bilang pagkilala sa karapatan, kultura, at kontribusyon ng mga Katutubo sa pambansang kaunlaran.


Sa rehiyon ng BARMM, patuloy na isinusulong ng pamahalaang Bangsamoro ang mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mga Indigenous Cultural Communities (ICC) at Indigenous Peoples (IP), alinsunod sa adhikain ng moral governance at inklusibong pag-unlad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page