top of page

Paglalagay ng opisyal na security seal sa lahat ng health cards ng mga empleyado ng mga establisyemento sa lungsod, ipatutupad ng lokal na pamahalaan

  • Diane Hora
  • Aug 6
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Maglalagay na ng opisyal na security seal sa lahat ng health cards ng mga empleyado ng mga establisyemento sa lungsod.


Bahagi ito ng patuloy na pagsusumikap ng Office on Health Services – Sanitation Inspection Division na mapanatili ang mataas na pamantayan sa pampublikong kalusugan at matiyak ang authenticity ng mga health card.


Ang hakbang na ito ay tugon sa kamakailang pagkakadiskubre ng ilang pekeng health cards na ginagamit ng mga empleyado mula sa isang lokal na negosyo.


Ang paggamit ng palsipikadong health cards ay seryosong banta sa kalusugan ng publiko at sumisira sa integridad ng isinasagawang health screening at inspection.


Upang masiguro ang bisa ng mga health card, ang bawat security seal ay magkakaroon ng tamper-proof elements na maaaring suriin tuwing may inspeksyon. Kalakip ng seal ay isang karagdagang bayad na Php 50.00 para sa bawat card.


Hinihiling ng tanggapan ang buong pakikiisa ng mga may-ari ng establisyemento upang ipabatid ito sa kanilang mga empleyado at matiyak na tanging health cards na may opisyal na security seal lamang ang gagamitin. Magkakaroon ng mahigpit na monitoring mula sa ating mga Sanitation Inspectors upang masigurong nasusunod ang bagong patakaran.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page